TUPAD ELECTRIFICATION PAYOUT September 24, 2022 Balungao Gymnasium

TUPAD ELECTRIFICATION PAYOUT September 24, 2022 Balungao Gymnasium
Kasama ang mga kawani ng DOLE Eastern Pangasinan Field Office sa pangunguna ni Labor and Employment Senior Officer Mary Jane Hufano. Matagumpay na naipamahagi ang sweldo ng ating mga TUPAD Beneficiaries dito sa bayan ng Balungao matapos ang 15 na araw na pagtatrabaho sa kanilang mga Barangay.
Sa tulong din ng ating butihing Congresswoman Marlyn Pimicias-Agabas at pakikipagtulongan ng PANELCO III. Nagamit ng ating mga TUPAD Beneficiaries ang kanilang sweldo upang magkaron ng sariling kuryente sa kanilang mga tahanan.
Kasama din na dumalo sa TUPAD Electrification Payout ang Mayor ng bayan ng Tayug, Atty. Tyrone Agabas, PESO Manager Raquel T. Caseres, Chairman Committee on Labor and Employment Councilor Cris Luna at mga masisipag na staff ng butihing Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng tulong na ibinibigay para sa ating mga kababayan dito sa bayan ng Balungao.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Copyright © 2015 Official LGU Website of Balungao Pangasinan. All rights reserved.

Powered by: PC Survivor Web Hosting