UNANG ARAW NG PAGBABAKUNA LABAN SA COVID-19 SA BAYAN NG BALUNGAO


RESBAKUNA, KASANGGA NG BIDA!
UNANG ARAW NG PAGBABAKUNA LABAN SA COVID-19 SA BAYAN NG BALUNGAO
March 24, 2021
Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng pagbabakuna laban sa Covid-19 sa ating bayan para sa 59 frontline healthcare workers mula sa Rural Health Unit ng Balungao, MDRMMO, Contact Tracers at sa mga pribadong ospital/clinic sa ating bayan, kabilang dito ang ProCare Medical Clinic and Hospital, Peralta Medical Clinic and Hospital, Prudente Medical Diagnostic Center at Mariñas-Sarmiento Dental Clinic.
Bagamat nagsimula na ang pagbabakuna sa ating bayan, pinapaalalahanan pa rin ang lahat na mag-ingat at sundin ang health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, umiwas sa mga matataong lugar, panatilihin ang isang metrong layo, ugaliing maghugas lagi ng kamay o magsanitize.
Antabayanan po ang anunsyo hinggil sa mga susunod na mababakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Copyright © 2015 Official LGU Website of Balungao Pangasinan. All rights reserved.

Powered by: PC Survivor Web Hosting